Facebook Pixel MGA PROGRAMA PARA SA MGA MAHIHIRAP, PRAYORIDAD NATIN SA 20TH CONGRESS | Bulgar Newspaper/Tabloid - newspaper - Bu hikayeyi Magzter.com'da okuyun
Magzter GOLD ile Sınırsız Olun

Magzter GOLD ile Sınırsız Olun

Sadece 9.000'den fazla dergi, gazete ve Premium hikayeye sınırsız erişim elde edin

$149.99
 
$74.99/Yıl

Denemek ALTIN - Özgür

MGA PROGRAMA PARA SA MGA MAHIHIRAP, PRAYORIDAD NATIN SA 20TH CONGRESS

Bulgar Newspaper/Tabloid

|

July 03, 2025

NGAYONG opisyal nang nagsimula ang 20th Congress, umasa kayo na patuloy na isusulong ng inyong Senator Kuya Bong Go ang ating nasimulan, upang mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa kapwa natin Pilipino lalo na sa mahihirap.

Nitong nakaraang 19th Congress, katuwang ang mga kapwa ko mambabatas, ay ipinaglaban natin ang mga batas at programa para maging abot-kaya ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan. Bagama't tagumpay nating naisulong ang ilang mahahalagang reporma sa PhilHealth at sa Universal Health Care (UHC) Law, malayo pa tayo sa full implementation nito. Hindi pa tapos ang ating trabaho para ibaba ang gastusin ng mga pasyenteng Pilipino.

Patuloy nating tututukan ang ipinapatupad na ngayong 50% increase sa PhilHealth benefit packages, gayundin ang expanded benefits para sa top 10 mortality rate cases gaya ng heart diseases, diabetes, respiratory illnesses, at hypertensive diseases. Dahil din sa ating walang tigil na pagbabantay, ipinatigil na ang luma, hindi makatarungan, at anti-poor na mga patakaran ng PhilHealth tulad ng Single Period of Confinement Policy, 24-hour confinement policy, at ang 45-day benefit limit. Lagi nating paalala, ang pondo ng PhilHealth ay pera ng taumbayan kaya'y dapat lang na ibalik sa kanila sa pamamagitan ng maayos na medical benefits at services.

Kasunod ng ating mga pagdinig sa Senado, ilan pang reporma ang ipinatupad ng PhilHealth at sinusuportahan natin: ang expanded o mas pinataas pang kidney transplant benefit package; ang dinagdagang suporta sa dialysis patients, kabilang na ngayon ang pagpapalaboratoryo at maintenance medicines; at ang pinalawak na benefit package para sa atake sa puso, na malaki rin ang itinaas.

Bilang inyong kinatawan sa Senado, magtatrabaho ako para maisulong ang marami pang health initiatives. Sa katunayan, sa unang araw ng 20th Congress ay 10 prayoridad na panukalang batas ang ating inihain.

Bulgar Newspaper/Tabloid'den DAHA FAZLA HİKAYE

Bulgar Newspaper/Tabloid

SENATE WEBSITE, NA-HACK

KINUMPIRMA ng Senate's Electronic Data Processing and Management Information Systems (EDP-MIS) na na-hack o nabago ang laman ng kanilang official website, habang isang grupo ng mga hinihinalang hacker ang umako ng pananagutan sa insidente.

time to read

1 min

June 12, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

2 players, patay sa lunod OPISYALES NG ATENEO, TATALUPAN

MAY tatlo o mahigit pang persons of interest ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay sa insidente ng pagkalunod sa dalawang miyembro ng Ateneo de Manila University basketball team sa Aurora.

time to read

1 min

June 12, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

CHAVIT, KINASUHAN NG CYBERLIBEL, TODO-SMILE SA MUGSHOT

NAGPIYANSA nitong Huwebes ng hapon si dating Ilocos Sur Governor Luis 'Chavit' Singson kaugnay ng kinakaharap nitong kasong cyberlibel.

time to read

1 min

June 12, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

SUNOG SA VGC, 4 NADALE

SUGATAN ang dalawang indibidwal habang dalawa pang bumbero ang nahirapang huminga sa sunog na sumiklab sa Valenzuela Gateway Complex (VGC) sa Valenzuela City, Huwebes ng madaling-araw.

time to read

1 min

June 12, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

AFTERSHOCKS SA M7.8, HIGIT 6,000 NA

NAKAPAGTALA na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng kabuuang 6,144 na aftershock mula sa magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao simula noong nakaraang linggo hanggang alas-11 ng umaga nitong Hunyo 15.

time to read

1 min

June 16, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Sa pagmumura, panlalait online ATTY. FALCIS, SINUSPINDE NG SC

SINUSPINDE ng Korte Suprema si Atty. Jesus Nicardo Falcis III dahil sa paggamit umano ng malaswang pananalita sa isang social media post na tumumukoy sa mga tagasuporta ng aktres at tinaguriang Queen of all media na si Kris Aquino.

time to read

1 mins

June 16, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

21-ANYOS, KULONG SA RAPE

ISINELDA ang 21-anyos na kelot na wanted sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape nang maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.

time to read

1 min

June 16, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

'DI DAHILAN ANG LAYO SA PAGHAHATID NG TULONG

A NG 7.8 na lindol ay hindi lamang sumira ng mga bahay at imprastruktura-winasak din nito ang kabuhayan, seguridad, at pag-asa ng maraming mamamayan.

time to read

1 min

June 16, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

US-Iran war, tinapos na MATAAS NA PRESYO NG LANGIS, 1 TAON PA

SA kabila ng pagtatapos ng giyera sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin umano agad babalik sa dati ang presyo ng langis.

time to read

1 min

June 16, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

₱13M CIVIL DAMAGES VS. BROADCASTER, ISINAMPA NI CONG. TARRIELA

NAGHAIN si Occidental Mindoro Lone District Rep. Leody \"Odie\" Tarriela ng civil complaint at humihingi ng P13 milyong danyos laban sa broadcaster na si Radamalyn \"Boy Kamandag\" Cardoza dahil sa umano'y walang basehang reklamong isinampa nito sa Office of the Ombudsman kamakailan.

time to read

1 min

June 16, 2026

Listen

Translate

Share

-
+

Change font size