Prøve GULL - Gratis

MGA PROGRAMA PARA SA MGA MAHIHIRAP, PRAYORIDAD NATIN SA 20TH CONGRESS

Bulgar Newspaper/Tabloid

|

July 03, 2025

NGAYONG opisyal nang nagsimula ang 20th Congress, umasa kayo na patuloy na isusulong ng inyong Senator Kuya Bong Go ang ating nasimulan, upang mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa kapwa natin Pilipino lalo na sa mahihirap.

Nitong nakaraang 19th Congress, katuwang ang mga kapwa ko mambabatas, ay ipinaglaban natin ang mga batas at programa para maging abot-kaya ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan. Bagama't tagumpay nating naisulong ang ilang mahahalagang reporma sa PhilHealth at sa Universal Health Care (UHC) Law, malayo pa tayo sa full implementation nito. Hindi pa tapos ang ating trabaho para ibaba ang gastusin ng mga pasyenteng Pilipino.

Patuloy nating tututukan ang ipinapatupad na ngayong 50% increase sa PhilHealth benefit packages, gayundin ang expanded benefits para sa top 10 mortality rate cases gaya ng heart diseases, diabetes, respiratory illnesses, at hypertensive diseases. Dahil din sa ating walang tigil na pagbabantay, ipinatigil na ang luma, hindi makatarungan, at anti-poor na mga patakaran ng PhilHealth tulad ng Single Period of Confinement Policy, 24-hour confinement policy, at ang 45-day benefit limit. Lagi nating paalala, ang pondo ng PhilHealth ay pera ng taumbayan kaya'y dapat lang na ibalik sa kanila sa pamamagitan ng maayos na medical benefits at services.

Kasunod ng ating mga pagdinig sa Senado, ilan pang reporma ang ipinatupad ng PhilHealth at sinusuportahan natin: ang expanded o mas pinataas pang kidney transplant benefit package; ang dinagdagang suporta sa dialysis patients, kabilang na ngayon ang pagpapalaboratoryo at maintenance medicines; at ang pinalawak na benefit package para sa atake sa puso, na malaki rin ang itinaas.

Bilang inyong kinatawan sa Senado, magtatrabaho ako para maisulong ang marami pang health initiatives. Sa katunayan, sa unang araw ng 20th Congress ay 10 prayoridad na panukalang batas ang ating inihain.

FLERE HISTORIER FRA Bulgar Newspaper/Tabloid

Bulgar Newspaper/Tabloid

Dahil sa mga korup P500 AT P1,000 BILLS, TANGGALIN - PURISIMA

HUGOT MO, SHARE MO! Ano'ng sey mo sa hirit na tanggalin ang P500 at P1,000 bills kontra-korup? FB bulgar.official | IG bulgar.official | TWITTER bulgarofficial

time to read

1 min

September 25, 2025

Bulgar Newspaper/Tabloid

Bulgar Newspaper/Tabloid

Sa 5-star luxury hotel kumakain... SARAH AT MATTEO, TODO-ENJOY SA HONEYMOON SA EUROPE

AKASYON-GRANDE ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Europe recently. Nasa honeymoon mode pa rin ang mag-asawa after couple of years ng kanilang marriage.

time to read

1 min

July 16, 2025

Bulgar Newspaper/Tabloid

Bulgar Newspaper/Tabloid

B-day treat ng businessman sa GF... BIDA BEA AT VINCENT, HOLDING HANDS SA BAKASYON-GRANDE SA JAPAN

AHIL sa mga kababayan natin na mahilig sa showbiz, nalaman na nasa Japan si Bea Alonzo at ang boyfriend nitong si Vincent Co.

time to read

3 mins

July 16, 2025

Bulgar Newspaper/Tabloid

10 YRS. KULONG SA PABAYANG ANAK

ISINUSULONG ni Senador Panfilo 'Ping' Lacson ang panukala kaugnay sa mga anak na magtatangkang abandonahin o pabayaan ang kanilang elderly parents o magulang sa kanilang pagtanda.

time to read

1 mins

July 16, 2025

Bulgar Newspaper/Tabloid

DEPENSA SA KORONA SISIMULAN NG UP VS. NU SA PRESEASON CUP

TATARGETING maisalpak muli ni Rey Remogat ang mga importanteng baskets upang madale ang unang kampeonato sa panig ng University of the Philippines Fighting Maroons na naghahangad ng ikatlong sunod na korona laban sa 4th seed National University Bulldogs sa Game 1 ng best-of-three Finals, habang mag-aagawan sa winner-take-all battle-for-third place ang dating No.1 ranked na De La Salle University Green Archers at University of Santo Tomas Growling Tigers ngayon sa 2025 FilOil EcoOil Preseason Cup sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

time to read

1 min

July 16, 2025

Bulgar Newspaper/Tabloid

Bulgar Newspaper/Tabloid

Maganda raw ang pamilya niya ngayon... JESSY, FEELING BLESSED MATAPOS I-BASH NA INAGAW SI LUIS KAY ANGEL

HANGGANG ngayon ay naaalala pa rin ni Jessy Mendiola ang mabigat na isyung pinagdaanan niya sa kanyang buhay at ito ay nang akusahan siyang third party noon.

time to read

1 mins

July 16, 2025

Bulgar Newspaper/Tabloid

PAGBABALIK SA TRABAHO NG SINIBAK NA EMPLEYADO

Dear Chief Acosta, Bigla akong tinanggal sa trabaho nang wala man lang paunang abiso at paliwanag, kaya nagsampa ako ng kasong illegal dismissal. Batay sa naging desisyon ng labor arbiter, ako diumano ay illegally dismissed kung kaya't ginawaran ako ng reinstatement o karapatang maibalik sa trabaho. Dahil dito, sinubukan kong pumasok muli sa dati kong opisina, ngunit hindi ako pinayagang pumasok at sinabihan ako na diumano ay iaapela nila ang nasabing desisyon. Gusto kong malaman kung may karapatan ba akong bumalik sa trabaho kung iaapela pa ng aking employer ang kaso sa National Labor Relations Commission? - Edward

time to read

3 mins

July 16, 2025

Bulgar Newspaper/Tabloid

STRONG GROUP, PINANIS ANG QATAR SA JONES CUP

Laro ngayong Miyerkules - Xinzhuang Gym 5:00 PM Australia vs. SGA PERPEKTONG tatlo sa tatlo na ang defending champion Strong Group Athletics (SGA) ng Pilipinas matapos pabagsakin ang Qatar, 81-54, kagabi sa ika-44 William Jones Cup 2025 sa Xinzhuang Gym, New Taipei City. Tunay na mahalaga ang malakas na simula at sinindak agad ang mga Qatari.

time to read

1 mins

July 16, 2025

Bulgar Newspaper/Tabloid

BEBOT, NEVER MASISIRA ANG PAMILYA KAHIT PA MAY KATRABAHONG MAHAROT

1. May asawa na ako, pero nililigawan ako ngayon ng isa kong kasamahan sa trabaho. May asawa na rin siya, pero pakiramdam ko ay unti-unti na ring napapalapit ang loob ko sa kanya. Araw-araw ko kasi siyang nakikita at nakakasalo sa pagkain. Nais ko lang itanong kung posible bang may mabuong relasyon sa aming dalawa?

time to read

2 mins

July 16, 2025

Bulgar Newspaper/Tabloid

Sexy mag ng madir, ibinenta sa mga kaklase... DINA, PINAGKAKITAAN NI OYO

NAALIW kami sa napanood naming interview ni Dina Bonnevie kung saan ibinuking niya na pinagkakitaan siya noon ng anak na si Oyo.

time to read

1 min

July 16, 2025

Listen

Translate

Share

-
+

Change font size