Essayer OR - Gratuit
MGA PROGRAMA PARA SA MGA MAHIHIRAP, PRAYORIDAD NATIN SA 20TH CONGRESS
Bulgar Newspaper/Tabloid
|July 03, 2025
NGAYONG opisyal nang nagsimula ang 20th Congress, umasa kayo na patuloy na isusulong ng inyong Senator Kuya Bong Go ang ating nasimulan, upang mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa kapwa natin Pilipino lalo na sa mahihirap.
-
Nitong nakaraang 19th Congress, katuwang ang mga kapwa ko mambabatas, ay ipinaglaban natin ang mga batas at programa para maging abot-kaya ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan. Bagama't tagumpay nating naisulong ang ilang mahahalagang reporma sa PhilHealth at sa Universal Health Care (UHC) Law, malayo pa tayo sa full implementation nito. Hindi pa tapos ang ating trabaho para ibaba ang gastusin ng mga pasyenteng Pilipino.
Patuloy nating tututukan ang ipinapatupad na ngayong 50% increase sa PhilHealth benefit packages, gayundin ang expanded benefits para sa top 10 mortality rate cases gaya ng heart diseases, diabetes, respiratory illnesses, at hypertensive diseases. Dahil din sa ating walang tigil na pagbabantay, ipinatigil na ang luma, hindi makatarungan, at anti-poor na mga patakaran ng PhilHealth tulad ng Single Period of Confinement Policy, 24-hour confinement policy, at ang 45-day benefit limit. Lagi nating paalala, ang pondo ng PhilHealth ay pera ng taumbayan kaya'y dapat lang na ibalik sa kanila sa pamamagitan ng maayos na medical benefits at services.
Kasunod ng ating mga pagdinig sa Senado, ilan pang reporma ang ipinatupad ng PhilHealth at sinusuportahan natin: ang expanded o mas pinataas pang kidney transplant benefit package; ang dinagdagang suporta sa dialysis patients, kabilang na ngayon ang pagpapalaboratoryo at maintenance medicines; at ang pinalawak na benefit package para sa atake sa puso, na malaki rin ang itinaas.
Bilang inyong kinatawan sa Senado, magtatrabaho ako para maisulong ang marami pang health initiatives. Sa katunayan, sa unang araw ng 20th Congress ay 10 prayoridad na panukalang batas ang ating inihain.
Cette histoire est tirée de l'édition July 03, 2025 de Bulgar Newspaper/Tabloid.
Abonnez-vous à Magzter GOLD pour accéder à des milliers d'histoires premium sélectionnées et à plus de 9 000 magazines et journaux.
Déjà abonné ? Se connecter
PLUS D'HISTOIRES DE Bulgar Newspaper/Tabloid
Bulgar Newspaper/Tabloid
63 TINAMAAN NG "SUPER FLU" - DOH
PUMALO na sa 63 ang naitalang mga kaso ng \"super flu\" sa bansa batay sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH).
1 min
January 12, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
MAGNITUDE 6.8 YUMANIG SA SARANGANI
DALAWANG lindol ang yumanig sa katubigan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental nitong Biyernes ng gabi.
1 min
January 12, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
NAKA-UNIPORMENG KRIMINAL, TULUYAN
NAMAMAYAGPAG na naman ang krimen, at mas masahol, may mga pulis na sangkot.
1 min
January 12, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
Ikinakasa na – Cong. Erice IMPEACHMENT VS. PBBM
POSIBLENG maharap sa impeachment complaint si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ito ang ibinuking ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan 2nd District Rep. Edgar 'Egay' Erice.
2 mins
January 12, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
PBBM, 'DI MASISIPA -- CASTRO
KINASTIGO ng Malacañang ang ulat tungkol sa planong impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na tinawag nilang walang sapat na batayan.
1 min
January 12, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
SENADO, TULOY ANG IMBESTIGASYON SA FLOOD SCAM
IPAGPAPATULOY ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig kaugnay sa maanomalyang flood control project sa Enero 19, ala-1 ng hapon.
1 min
January 12, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
LUXURY CARS NI ZALDY CO, KINUMPISKA
KINUMPISKA ng mga otoridad ang ilang mamahaling sasakyan na umano'y pag-aari ng dating kongresista na si Zaldy Co.
1 min
January 10, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
Pekeng travel document, buking
21-ANYOS NA BEBOT, ARESTADO SA NAIA
1 min
January 12, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
JOYRIDE DRIVER, KULONG SA RAPE
MAKALIPAS ang mahigit isang taong pagtatago, naaresto na ang isang JoyRide driver na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad sa Valenzuela City nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Baras, Rizal.
1 min
January 10, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
NIGERIAN PINAGSASAKSAK NG 2 HOLDAPER, TODAS
NASAWI nang pagsasaksakin ang isang hindi pa kilalang Nigerian national makaraang pumalag sa dalawang lalaki na sapilitang nanghihingi ng pera, sa Las Piñas City, madaling-araw ng Martes.
1 min
January 08, 2026
Listen
Translate
Change font size
