Denemek ALTIN - Özgür

KAKULANGAN NG EBIDENSYA, 'DI SAPAT GAWING BATAYAN

Bulgar Newspaper/Tabloid

|

June 16, 2025

ANG aming ibabahagi sa araw na ito ay isang kasong hawak ng aming Tanggapan, ang People of the Philippines vs. James Montino y Nava alias "Idol" and Arjie Montino y Nava alias "Estong" (CA-G.R. CR HČ No. 04128), sa panulat ni Honorable Associate Justice Rogelio G Largo ng Special Eighteenth Division ng Court of Appeals.

Ito ay tungkol sa kasong murder na paglabag sa Artikulo 248 ng ating Revised Penal Code at kalaunang pagpapawalang-sala sa mga inakusahan dahil sa kakulangan ng ebidensya ng tagausig kaugnay sa kaduda-dudang pagkilala sa mga akusado na sina James at Arjie bilang mga may-akda ng krimen.

Binigyang-diin sa kasong ito ang kahalagahan ng malinaw na pagtukoy sa may-akda ng krimen na bagaman mapatunayan ng tagausig ang lahat ng elemento ng krimen ay hindi pa rin ito makapagbaba ng hatol na pagkakasala laban sa akusado; gayundin na mahalagang mapatunayan ang kredibilidad ng mga saksi kaugnay hindi lamang sa pagtukoy o pagkilala sa akusado kundi pati na rin ang mga pangyayari na may kinalaman sa komisyon ng krimen upang hindi paboran ng korte ang depensa ng sinasakdal na alibi o pagdadahilan. Ang motibo sa paggawa ng krimen ay mahalaga rin kung may pagdududa sa pagkakakilanlan ng taong may-akda sa krimen.

Kaya naman, kung merong kaunting pagdududa hinggil sa pagkakasalang akusado, ang Korte ay hahatol ng pagpapalaya.

Napakahalaga ng papel ng Tanggapan ng Manananggol Pambayan upang ipaglaban ang karapatan ng mga naaapi at napagbibintangan lamang.

Ang marubdob na daing sa kauhawan ng hustisya ay napawi nang ito ay mapagtagumpayan pabor sa mga inakusahan.

Batay sa bersyon ng panig ng tagausig, noong ika-24 ng Disyembre 2018, bandang alas-4:00 ng hapon, si Levy, kasama ang kanyang katulong na si Jesus "Jessie" dela Cruz, ay nagmaneho ng Canter truck na nakatalaga sa kanya patungo sa Sitio Najaba, Barangay Bacong, Lungsod ng Bago, upang hakutin ang mga piraso ng kahoy na nauna nang binili ng kanyang among si Kagawad Suarez sa nasabing lugar.

Dumating sina Levy at Jessie sa Sitio Najaba alas-5:30 ng hapon at ipinarada ang truck sa gilid ng kalsada, kung saan nakasalansan ang mga piraso ng kahoy. Doon ay hinintay nila si July Orbita upang sila'y tulungan sa pagkakarga ng kahoy sa truck.

Bulgar Newspaper/Tabloid'den DAHA FAZLA HİKAYE

Bulgar Newspaper/Tabloid

DELAY NA PAGSAMPA NG KASO, 'DI NAKAKASIRA SA KREDIBILIDAD NG SAKSI

Dear Chief Acosta, Saksi ako sa isang krimen

time to read

2 mins

January 09, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Hirit sa SC TRO VS. ₱150B UNPROGRAMMED FUNDS SA 2026 BUDGET

NAGHAIN si Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City 2nd District Rep. Edgar R. Erice, kasama si ML Rep. Leila M. de Lima, ng Petition for Certiorari and Prohibition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa konstitusyonalidad ng Unprogrammed Appropriations sa 2026 General Appropriations Act.

time to read

1 min

January 09, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Bulgar Newspaper/Tabloid

16-ANYOS NA ESTUDYANTE, NALIGTAS SA SUICIDE SA MALL

ISANG 16-anyos na estudyante na nagtangkang tumalon mula sa roof deck ng isang malaking mall ang matagumpay na nailigtas ng pulisya at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Valenzuela City, Miyerkules ng tanghali.

time to read

1 min

January 09, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

PAGBABANTAY SA PONDO NG BAYAN HANGGANG SA HULING SENTIΜΟ

BILANG mambabatas, malinaw sa akin na ang pagpirma ng Pangulo sa 2026 national budget ay hindi katapusan ng trabaho

time to read

2 mins

January 09, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Mayor Isko, naniguro MGA TULAY NA DADAANAN NG TRASLACION, SAFE – DPWH

SINERTIPIKAHAN ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na ligtas daanan ang Quezon Bridge, Carlos Palanca Bridge, Ayala Bridge, at Arlegui Bridge para sa gaganaping 2026 Traslacion ngayong araw.

time to read

1 min

January 09, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

TRICYCLE SUMALPOK SA TRAK, MAG-ASAWA TODAS

PATAY ang isang guro at kanyang asawang tricycle driver habang sugatan ang kanilang pamangkin makaraang sumalpok ang kanilang tricycle sa isang dump truck sa Brgy

time to read

1 min

January 09, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

TITSER HINIMATAY SA CLASS OBSERVATION, NABAGOK, PATAY

ISANG guro ng public high school ang nahilo hanggang sa matumba at nabagok habang nagsasagawa ng classroom observation sa loob ng silid-aralan sa Muntinlupa City nitong araw ng Miyerkules (Enero 7).

time to read

1 min

January 09, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

2 BEBOT, HINOLDAP NG RIDING-IN-TANDEM SA LOOB NG BAHAY

PINAGNAKAWAN ng riding-in-tandem ang dalawang babae na nasa loob ng kanilang bahay, ala-1:39 ng hapon sa Brgy

time to read

1 min

January 09, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Forced evacuation, ipinatupad MAYON VOLCANO, ALERT LEVEL 3 NA

ITINAAS na sa Alert Level 3 ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alerto sa Mayon volcano sa Albay matapos makapagtala ng \"uson\" o pyroclastic density currents (PDC) sa bunganga ng bulkan.

time to read

1 min

January 07, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

COAST GUARD, ARESTADO SA PANGHIHIPO

DINAKIP ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang ireklamo ng isang waitress ng restobar sa panghihipo ng puwet madaling-araw ng Lunes sa Pasay City.

time to read

1 min

January 07, 2026

Listen

Translate

Share

-
+

Change font size