Try GOLD - Free
SERBISYO NOON, SERBISYO PA MORE SA MGA PILIPINO!
Bulgar Newspaper/Tabloid
|June 19, 2025
SA pagtatapos ng 19th Congress, lubos nating ipinagmamalaki ang maraming mga batas, programa, adbokasiya at inisyatibang ipinaglaban at naisakatuparan natin. Nagpapasalamat ako sa tiwalang ipinagkaloob ninyo sa isang probinsyanong tulad ko, gayundin sa tulong ng mga kapwa ko mambabatas at mga manggagawa sa gobyerno para patuloy na mailapit ang serbisyo sa ating mga kababayan— lalo na sa mga mahihirap, may karamdaman at higit na nangangailangan.
-
Malaking karangalan para sa akin na maging Chairman ng Senate Committees on Health and Demography, on Youth, at on Sports. Dahil sa mga tungkuling ito, naipaglaban natin sa Senado ang mga mahahalagang batas na direktang nagbebenepisyo sa mga kapwa ko Pilipino.
Nitong 19th Congress, principal author tayo ng Republic Act No. 12076, o ang "Ligtas Pinoy Centers Act" na naglalayon na magtatag ng mandatory evacuation centers sa lahat ng lungsod at munisipalidad para mapangalagaan ang dignidad ng mga evacuees. Principal author din tayo ng tayong RA 12177, o ang "Free Legal Assistance to Military and Uniformed Personnel" bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapahalagahan ang sakripisyo ng ating men and women in uniform. Ilan lamang ang mga ito sa mga batas na tayo ang pangunahing nagsulong.
Samantala, co-author naman tayo ng iba't ibang batas, tulad ng RA 12077, o ang "Student Loan Payment Moratorium During Disasters Law" at ng RA 11996, o ang "Eddie Garcia Law." Prayoridad natin lagi ang kapakanan ng ating mga kababayan sa lahat ng sektor. Sa ating krusada na mas mapatatag ang ating bansa, hangad natin na walang Pilipinong maiiwan.
Sa kasalukuyan ay nakapag-akda na tayo ng 19 na batas sa ating layuning mapagserbisyuhan ang mga Pilipino sa buong bansa. Principal sponsor din tayo ng 94 na mga batas — ang 92 sa mga ito ay para sa pagpapatayo at upgrading ng mga pampublikong ospital sa buong Pilipinas. Dalangin natin na ang mga proyektong ito ay makasasagip ng buhay at kalusugan ng mga kababayan natin lalo na ang mga naninirahan sa malalayong lugar at bihirang maabot ng serbisyo ng gobyerno.
Tinutukan din natin na matugunan ang mga problema sa kalusugan, edukasyon, disaster preparedness, at kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng 190 iba pang mga batas na co-author o co-sponsor ng inyong lingkod.
This story is from the June 19, 2025 edition of Bulgar Newspaper/Tabloid.
Subscribe to Magzter GOLD to access thousands of curated premium stories, and 10,000+ magazines and newspapers.
Already a subscriber? Sign In
MORE STORIES FROM Bulgar Newspaper/Tabloid
Bulgar Newspaper/Tabloid
'Di dapat binibeybi ang mga batang kriminal BATAS NI SEN. KIKO PANGILINAN NA JUVENILE JUSTICE LAW, DAPAT AMYENDAHAN
ANG MGA BATANG KRIMINAL, 'DI DAPAT BENIBEYBI - Dapat amyendahan ang Juvenile Justice Law na isinulong ni Sen. Kiko Pangilinan.
1 mins
June 24, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
Isa sa namaril sa iskul 14-ANYOS, ADIK SA ONLINE GAME NA GOREBOX
HABANG patuloy na binubuo ng mga otoridad ang larawan sa likod ng madugong pamamaril na yumanig sa loob ng San Jose National High School (SJNHS), isa sa mga natuklasan sa imbestigasyon ay ang umano'y matinding pagkahilig ng isa sa dalawang menor-de-edad na suspek sa mobile game application na \"GoreBox\".
1 min
June 24, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
PNP sa mga magulang, titser: KABATAAN, BANTAY-SARADO SA SOCMED, GADGET
HINIMOK ng Philippine National Police (PNP) ang mga magulang, guro, at tagapangasiwa ng paaralan na mas higpitan ang pagmamatyag sa mga anak sa paggamit ng social media at mga gadget kasunod ng madugong insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.
1 min
June 24, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
MISTER, PINAGTATAGA, PINUGUTAN NG 29-ANYOS
KALUNUS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang 52-anyos na magsasaka matapos itong pagtatagain hanggang sa mapatay at pinugutan pa sa Brgy. Mauswagon, Godod, Zamboanga del Norte.
1 min
June 24, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
EX-KAGAWAD AT HIPAG PINAGBABARIL, TODAS
PATAY sa pamamaril ang isang dating opisyal ng barangay at hipag nito makaraang pagbabarilin ng sariling kamag-anak sa Brgy. Poblacion, Sta. Josefa, Agusan del Sur.
1 min
June 24, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
ANAK NA-BAD TRIP, NANAY, PINAGSASAKSAK SA MUKHA, LEEG AT BRASO
PATAY ang isang 59-anyos na ina matapos burdahan ng saksak ng kanyang sariling anak na lalaki sa Brgy. Kilagasan, Kabacan, Cotabato.
1 min
June 24, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
COACH BALDWIN, HUMARAP NA SA NBI
HUMARAP kahapon sa National Bureau of Investigation-Homicide Division (NBI-HD) ang nagbitiw na si Ateneo coach Tab Baldwin para sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkamatay ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili nitong Martes.
1 min
June 24, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
Krimen, parami nang parami - PNP 12-ANYOS, PUWEDE NANG KASUHAN
SUPORTADO ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang ibaba ang edad ng criminal liability sa bansa, kasabay ng pagdami ng mga kabataang Pilipinong nasasangkot sa krimen.
1 min
June 24, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
SEGURIDAD SA ESKUL, KAILANGANG PAGTUTULUNGAN NG LAHAT
NG naganap na pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City- na ikinasawi ng mga estudyante at ikinasugat ng iba pa-ay muling naglantad ng isang maselang katotohanan: ang mga paaralan, na itinuturing na dapat pinakaligtas na espasyo ng kabataan, ay nananatiling bulnerable sa karahasan.
1 min
June 24, 2026
Bulgar Newspaper/Tabloid
PULIS KADA ISKUL, ‘DI KAKAYANIN
HINDI kakayaning makapagtalaga ng mga pulis sa lahat ng paaralan sa bansa kasunod ng insidente sa Tacloban City, ayon sa Philippine National Police (PNP).
1 min
June 24, 2026
Listen
Translate
Change font size
