Prøve GULL - Gratis

PAGBABALIK SA TRABAHO NG SINIBAK NA EMPLEYADO

Bulgar Newspaper/Tabloid

|

July 16, 2025

Dear Chief Acosta, Bigla akong tinanggal sa trabaho nang wala man lang paunang abiso at paliwanag, kaya nagsampa ako ng kasong illegal dismissal. Batay sa naging desisyon ng labor arbiter, ako diumano ay illegally dismissed kung kaya't ginawaran ako ng reinstatement o karapatang maibalik sa trabaho. Dahil dito, sinubukan kong pumasok muli sa dati kong opisina, ngunit hindi ako pinayagang pumasok at sinabihan ako na diumano ay iaapela nila ang nasabing desisyon. Gusto kong malaman kung may karapatan ba akong bumalik sa trabaho kung iaapela pa ng aking employer ang kaso sa National Labor Relations Commission? - Edward

- NI DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA Chief Public Attorney

Dear Edward,

Ayon sa Labor Code of the Philippines, ang desisyon ng isang labor arbiter ukol sa reinstatement o ang pagbabalik-trabaho ng isang na-dismiss o natanggal na empleyado ay agarang ipinatutupad, kahit na may nakabinbin na apela. Ang empleyado ay maaaring tanggapin pabalik sa trabaho sa ilalim ng parehong mga tuntunin at kondisyon na umiiral bago ang pagtanggal sa kanya, o ibabalik lamang sa payroll sa opsyon ng employer. Ang pagpapaskil ng bond ng employer ay hindi makapagpapanatili ng pagpapatupad ng reinstatement o pagbabalik sa trabaho ng empleyado. Ang patakarang ito ay nakasaad sa Artikulo 229 ng nasabing batas:

"In any event, the decision of the Labor Arbiter reinstating a dismissed or separated employee, insofar as the reinstatement aspect is concerned, shall immediately be executory, even pending appeal. The employee shall either be admitted back to work under the same terms and conditions prevailing prior to his dismissal or separation or, at the option of the employer, merely reinstated in the payroll. The posting of a bond by the employer shall not stay the execution for reinstatement provided herein. xxx"

FLERE HISTORIER FRA Bulgar Newspaper/Tabloid

Bulgar Newspaper/Tabloid

LUXURY CARS NI ZALDY CO, KINUMPISKA

KINUMPISKA ng mga otoridad ang ilang mamahaling sasakyan na umano'y pag-aari ng dating kongresista na si Zaldy Co.

time to read

1 min

January 10, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

JOYRIDE DRIVER, KULONG SA RAPE

MAKALIPAS ang mahigit isang taong pagtatago, naaresto na ang isang JoyRide driver na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad sa Valenzuela City nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Baras, Rizal.

time to read

1 min

January 10, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

NIGERIAN PINAGSASAKSAK NG 2 HOLDAPER, TODAS

NASAWI nang pagsasaksakin ang isang hindi pa kilalang Nigerian national makaraang pumalag sa dalawang lalaki na sapilitang nanghihingi ng pera, sa Las Piñas City, madaling-araw ng Martes.

time to read

1 min

January 08, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

PAGKUMPISKA SA DRIVER'S LICENSE, SUSPENDIDO – DOTr

TIGIL muna sa pagkumpiska ang Land Transportation Office (LTO) sa lisensya ng mga motorista kasunod ng mga batikos ng publiko sa proseso sa panghuhuli sa mga lumabag sa trapiko.

time to read

1 min

January 10, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

PHOTOJOURNALIST, PATAY HABANG NAGKO-COVER NG TRASLACION

PATAY ang isang photojournalist ng pahayagang Saksi makaraang atakihin sa puso habang nagko-cover ng 2026 Traslacion kahapon ng madaling-araw sa Quirino Grandstand sa Maynila.

time to read

1 min

January 10, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Pumasok sa iskul, 'di na nakauwi 15-ANYOS, NI- RAPE, PINUGUTAN

KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng isang 15-anyos na dalagita matapos matagpuan itong pugot ang ulo at itinapon sa taniman ng tubo sa Sitio Sinait, Brgy

time to read

1 min

January 10, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Jinggoy, Joel, Bong, Gardiola at Yap brothers MGA SEN. AT CONG., TUTULUYAN NA SA JAN. 15 SA FLOOD SCAM -- IMEE

IBINUNYAG ni Senadora Imee Marcos na may natanggap umano siyang impormasyon na kakasuhan na umano sa Enero 15 ang ilang senador at kongresista na idinadawit sa flood control scandal.

time to read

1 min

January 08, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

5,594 SA 11,420 PUMASA SA 2025 BAR EXAMS

MAY panibagong 5,594 na mga bagong abogado sa bansa matapos silang pumasa sa 2025 Bar Examinations.

time to read

1 mins

January 08, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

PNP GENERAL, KINASUHAN SA PAGSUSUOT NG BALENCIAGA SHOES

NAHAHARAP sa kasong administratibo ang isang aktibong heneral ng Philippine National Police dahil sa kabiguang sumunod sa utos pati na ang pagsusuot ng mamahaling sapatos habang suot ang uniporme.

time to read

1 min

January 08, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Umawat sa away ng magdyowa EDAD 17, TINAGA SA ULO, TODAS

PATAY ang isang 17-anyos na binatilyo matapos tagain sa noo sa Brgy

time to read

1 min

January 10, 2026

Listen

Translate

Share

-
+

Change font size