कोशिश गोल्ड - मुक्त

BIKTIMANG PINATAY AT NINAKAWAN, SALARIN 'DI PA RIN TUKOY

Bulgar Newspaper/Tabloid

|

June 25, 2025

Sa pamamagitan ng "out-of-court identification," ipinakita umano ng mga pulis ang larawan nina Alexander, Danny at Modesto na mula sa kanilang rogue gallery. Agad naman nilang kinumpirma ang tatlong nabanggit na may kagagawan ng pamamaslang at pagnanakaw.

Mariin namang pinabulaanan ng mga inakusahan na sina Alexander, Danny at Modesto ang mga paratang laban sa kanila.

Batay sa testimonya ni Modesto, siya ay nasa bahay ng kanyang kapatid at nag-aalaga sa kanyang mga pamangkin noong petsa ng insidente. Bayaw niya umano si Danny na nasa trabaho rin noong araw na iyon. Wala umano siyang alam tungkol sa kaso na isinampa laban sa kanila.

Ipinaliwanag din niya na siya at si Danny ay naaresto noong ika-12 ng Agosto 2017, bunsod ng paratang na attempted robbery na naganap sa ibang lugar. Bagaman kilala niya umano si Bienvenido na may-aring isang tindahan, hindi niya umano kilala si Alexander.

Batay naman sa testimonya ni Danny, siya ay nasa Bani, Pangasinan noong araw ng insidente bilang isang stay-in na trabahador sa sakahan ng isang nagngangalang Sheryl.

Diumano, mula pa Mayo 2017 ay namamasukan na siya sa nasabing sakahan hanggang matapos ang anihan. Matapos ang kanyang pamamasukan sa naturang sakahan ay nakakuha naman umano siya ng trabaho sa Sual, Pangasinan. Ika-21 ng Setyembre 2017 nang siya'y maaresto sa Sual bunsod ng alegasyon na pagmamay-ari ng baril at motorsiklo. Sa himpilan ng pulis na umano niya napag-alaman ang ukol sa paratang na robbery with homicide na inihain laban sa kanila.

Kilala lamang niya umano si Alexander dahil nakasama niya at ni Modesto ito noong sila ay makulong sa Burgos, Pangasinan, subalit sila ay napalaya na noon pang Mayo 2017.

Kilala rin lamang niya umano si Bienvenido bilang isang negosyante, dahil ang kanilang mga tirahan ay mula sa tatlo hanggang apat na raang metro ang pagitan at mararating ng mga labinlimang minuto sa pamamagitan ng lakad.

Ayon naman kay Alexander, siya ay nasa Madella, Quirino noong araw ng insidente. Meron diumanong reklamo na theft laban sa kanya sa korte roon at nakalaya lamang siya sa bisa ng piyansa noong ika-22 ng Agosto 2017. Dumiretso na umano siya agad sa bahay ng kanyang ina sa Bamban Sur, Infanta.

Bulgar Newspaper/Tabloid से और कहानियाँ

Bulgar Newspaper/Tabloid

LUXURY CARS NI ZALDY CO, KINUMPISKA

KINUMPISKA ng mga otoridad ang ilang mamahaling sasakyan na umano'y pag-aari ng dating kongresista na si Zaldy Co.

time to read

1 min

January 10, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

JOYRIDE DRIVER, KULONG SA RAPE

MAKALIPAS ang mahigit isang taong pagtatago, naaresto na ang isang JoyRide driver na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad sa Valenzuela City nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Baras, Rizal.

time to read

1 min

January 10, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

NIGERIAN PINAGSASAKSAK NG 2 HOLDAPER, TODAS

NASAWI nang pagsasaksakin ang isang hindi pa kilalang Nigerian national makaraang pumalag sa dalawang lalaki na sapilitang nanghihingi ng pera, sa Las Piñas City, madaling-araw ng Martes.

time to read

1 min

January 08, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

PAGKUMPISKA SA DRIVER'S LICENSE, SUSPENDIDO – DOTr

TIGIL muna sa pagkumpiska ang Land Transportation Office (LTO) sa lisensya ng mga motorista kasunod ng mga batikos ng publiko sa proseso sa panghuhuli sa mga lumabag sa trapiko.

time to read

1 min

January 10, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

PHOTOJOURNALIST, PATAY HABANG NAGKO-COVER NG TRASLACION

PATAY ang isang photojournalist ng pahayagang Saksi makaraang atakihin sa puso habang nagko-cover ng 2026 Traslacion kahapon ng madaling-araw sa Quirino Grandstand sa Maynila.

time to read

1 min

January 10, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Pumasok sa iskul, 'di na nakauwi 15-ANYOS, NI- RAPE, PINUGUTAN

KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng isang 15-anyos na dalagita matapos matagpuan itong pugot ang ulo at itinapon sa taniman ng tubo sa Sitio Sinait, Brgy

time to read

1 min

January 10, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Jinggoy, Joel, Bong, Gardiola at Yap brothers MGA SEN. AT CONG., TUTULUYAN NA SA JAN. 15 SA FLOOD SCAM -- IMEE

IBINUNYAG ni Senadora Imee Marcos na may natanggap umano siyang impormasyon na kakasuhan na umano sa Enero 15 ang ilang senador at kongresista na idinadawit sa flood control scandal.

time to read

1 min

January 08, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

5,594 SA 11,420 PUMASA SA 2025 BAR EXAMS

MAY panibagong 5,594 na mga bagong abogado sa bansa matapos silang pumasa sa 2025 Bar Examinations.

time to read

1 mins

January 08, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

PNP GENERAL, KINASUHAN SA PAGSUSUOT NG BALENCIAGA SHOES

NAHAHARAP sa kasong administratibo ang isang aktibong heneral ng Philippine National Police dahil sa kabiguang sumunod sa utos pati na ang pagsusuot ng mamahaling sapatos habang suot ang uniporme.

time to read

1 min

January 08, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Umawat sa away ng magdyowa EDAD 17, TINAGA SA ULO, TODAS

PATAY ang isang 17-anyos na binatilyo matapos tagain sa noo sa Brgy

time to read

1 min

January 10, 2026

Listen

Translate

Share

-
+

Change font size