Versuchen GOLD - Frei

SAKSING SALU-SALUNGAT ANG TESTIMONYA, 'DI KINATIGAN: MGA AKUSADO, PINAWALANG-SALA

Bulgar Newspaper/Tabloid

|

July 01, 2025

ANG salitang "napag-trip-an" o "nakursunadahan" sa konteksto ng mga insidente ng pananakit o pamamaslang ay makailang beses na nating nadidinig.

Kaugnay nito, ating ibabahagi ang nangyari sa biktimang itago na lamang natin sa pangalang Hubert, at kung paano natulungan ng ating tanggapan ang mga akusado na siyang nadawit sa patuloy na paghahanap ng hustisya kaugnay sa pagkamatay ng biktima.

Sa kasong People v. Aballe, et al. (CA-GR. No. 044) na may entry of judgment noong ika-23 ng Mayo 2025, at sa panulat ni Honorable Associate Justice Nancy C. Rivas-Palmones, ating tingnan kung paano ang daing ng ating mga kliyente na itago na lamang natin sa mga pangalang Marlou, Randon, Con, at Paskal, ay pinal na natuldukan nang sila ay mapawalang-sala mula sa kasong nagmula sa akusasyon ng pagpaslang o homicide.

Bilang pagbabahagi ng mga pangyayari, ating suriin ang buod mula sa mga paglalahad na nalikom ng hukuman.

Noong ika-26 ng Pebrero 2023, bandang alas-9:00 ng gabi, si Jeff, hindi nito tunay na pangalan, aniya ay nakatayo sa isang sari-sari store o tindahan na pagmamay-ari ng kanilang kapitbahay dahil inaantay umano niya ang kanyang kaibigan.

Sa kanyang pag-aantay, nakita niya si Hubert, ang nabanggit na biktima, na lumapit sa tindahan.

Noong panahon ding iyon, ang mga akusado diumano ay naroon din sa tindahan at nag-iinuman.

Ayon kay Jeff, nakita niya si Marlou na lumapit kay Hubert at sinuntok ito ng ilang beses kahit wala naman umanong dahilan, at ito ay sinundan pa diumano ng iba pang mga akusado.

At hinampas naman ni Randon si Hubert gamit ang helmet ng isang motor na nagdulot sa pagkatumba ni Hubert at pagkawala ng malay.

Ayon kay Jeff, halos kalahating oras diumano naganap ang pambubugbog. Matapos nito ay humingi na ng tulong si Jeff mula sa pamilya ni Hubert.

Ayon kay Jojo, anak ni Hubert, bumili lamang ang kanyang tatay ng sardinas sa tindahan upang makapaghapunan, subalit siya ay nabugbog o nakursunadahan pa.

Nadala diumano nila ang kanyang tatay sa ospital, subalit binawian din ng buhay dahil sa mga pinsalang tinamo nito.

WEITERE GESCHICHTEN VON Bulgar Newspaper/Tabloid

Bulgar Newspaper/Tabloid

Forced evacuation, ipinatupad MAYON VOLCANO, ALERT LEVEL 3 NA

ITINAAS na sa Alert Level 3 ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alerto sa Mayon volcano sa Albay matapos makapagtala ng \"uson\" o pyroclastic density currents (PDC) sa bunganga ng bulkan.

time to read

1 min

January 07, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

COAST GUARD, ARESTADO SA PANGHIHIPO

DINAKIP ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang ireklamo ng isang waitress ng restobar sa panghihipo ng puwet madaling-araw ng Lunes sa Pasay City.

time to read

1 min

January 07, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Ina, wanted BEYBI KINAIN NG ASO, ULO TANGAY NG TUTA

NABULABOG ang mga residente sa Purok 10, Brgy

time to read

1 min

January 07, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

PAG-IIMBENTO NG KRIMEN AT IMORAL NA GAWAIN, KINONDENA

KINONDENA ng ilang sektor ang pagkalat online ng umano'y huwad at mapanirang paratang laban kina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr

time to read

1 min

January 07, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

BALASAHAN SA GABINETE, ITINANGGI NI CASTRO

WALANG magaganap na pagbabago o revamp sa Gabinete ng administrasyong Marcos sa ngayon.

time to read

1 min

January 07, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

Sa 2026 budget signing ni PBBM CELLPHONE NG MGA TAGA-MEDIA, GUESTS, IPINA-SURRENDER

IGINIIT ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi lamang taga-media kundi ang lahat ng guests ay hiniling na i-surrender ang

time to read

1 min

January 07, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

SPECIAL NON-WORKING DAY SA ENERO 9 -- PBBM

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr

time to read

1 min

January 07, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

MANDATORY DRIVER'S LICENSE SA E-TRIKE, E-BIKE - LTO

PINAG-AARALAN ng Land Transportation Office (LTO) na gawing mandatory ang pagtatakda ng driver's license sa mga nagmamaneho ng e-bike at e-trike.

time to read

1 min

January 07, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

DRAYBER, PINAGSASAKSAK SA AWAY-TRAPIKO

ISANG insidente ng pananaksak ang naganap sa kahabaan ng National Highway sa Brgy

time to read

1 min

January 06, 2026

Bulgar Newspaper/Tabloid

HABAMBUHAY NA KULONG AT MULTA SA MGA GAGAMIT AT MAGBEBENTA NG NAKALALASONG KEMIKAL

Dear Chief Acosta, Noong Hunyo 2025, si Mikel, ang operations manager ng isang pribadong kumpanyang Triple Z Inc

time to read

3 mins

January 06, 2026

Listen

Translate

Share

-
+

Change font size